5 August 2008
Search for ‘Best Pinoy Doctors’ suportado ng PCSO
Posted by admin under: Press Release .
REFERENCE: PHILIPPINE JOURNAL
LAST AUGUST 04, 2008
Upang mahikayat ang mga doktor na manatili sa bansa, nakiisa ang Philippine Charity Sweeptakes Office (PCSO) sa JCI Senate Philippines at sa Department of Health, para sa pagbibigay parangal at pagkilala sa dedikasyon at kabayanihan ng mga doktor na mas piniling magsilbi sa bansa kaysa kumita ng malaki sa ibang bayan.
Hanggang sa Agosto 15 pa ang paghahanap sa “The Outstanding Filipino Physicians” (TOFP), na bukas para sa lahat ng “natural-born o naturalized Filipino physician, 41-anyos pataas ang edad, may magandang karakter, may naiambag sa pagsulong ng medical field at public health and welfare, na alinsunod sa adhikain ng Jaycee na “service to humanity is the best work of life.”
“We are honored to be part of this noble project initiated by JCI Senate Philippines as it runs parallel to our mandate in supporting the health care needs of our people,” pahayag ni PCSO Chairman Sergio O. Valencia, dating pangulo ng JCI Senate Philippines.
Pormal na ipinagkaloob nina Valencia at PCSO Special Projects manager Romualdo Quiones, ang P250,000. mula s akabuuang P500,000, bilang initial sponsorship grant, kina JCI Senate Philippines president Carlos Co at 2008 TOFP chairman JCI Sen. Melandrew Velasco.
Ito ay sinaksihan ng mga kasapi ng TOFP Steering Committee sa isang simpleng seremonya noong Hunyo 25 sa PCSO Board Room.
Ang 2008 TOFP search ay pormal na inilunsad ng JCI Senate Philippines at ng Department of Health noong Abril April 9 sa National Kidney and Transplant Institute, sa pakikipagtulungan ng Philhealth at ng PCSO.
Ayon kay DoH Secretary Francisco Duque, ang search ay isang paraan upag mapalaganap ang pagmamahal sa bansa ng mga doktor. Ang mga mahihirang ay pararangalan sa isnag seremonyang gaganapin sa Manila Hotel sa Setyembre 26.
Para sa karagdagang detalye maaaring tumawag sa tel. no. 412-5662, Tel. Fax: 374-4390; email: tofp_jcisp@yahoo.com sa website na www.tofpj-cisp.com.
Leave a Reply
You must be logged in to post a comment.


